DIGITAL PAYMENT, ISINUSULONG SA ALCALA PUBLIC MARKET

Isinusulong ang paggamit ng digital payment sa Alcala Public Market sa paglulunsad ng Palengke QR Ph Plus bilang hakbang sa pagpapalawak ng cashless transactions at financial inclusion para sa mga tindero at mamimili.

Sa pamamagitan ng programa, binibigyang kakayahan ang mga vendor na tumanggap ng cashless payments, na naglalayong gawing mas maginhawa, ligtas, at episyente ang mga transaksyon.

Kasabay ito ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa paglago ng mga lokal na micro, small, at medium enterprises.

Patuloy naman ang suporta ng DTI Pangasinan sa mga inisyatibong nagpapalakas ng digitalization at inklusibong paglago ng ekonomiya sa mga bayan sa buong lalawigan.

Facebook Comments