Digital payments, mas pag-iibayuhin pa sa susunod na taon

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy na pag-iibayuhin pa ang teknolohiya ng digital payments sa bansa.

Mula sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na tumaas ang bilang ng paggamit ng digital payments mula ng magpandemya.

Mula Enero hanggang Hulyo ng 2021 ay tumaas sa 180% ang gumagamit ng InstaPay at 80% naman sa Pesonet.


Punto ni Diokno na malaking tulong ang digital payments dahil nabawasan nito ang health risk na maaaring maging banta sa publiko dahil sa COVID-19.

Samantala, inaasahan naman ng BSP ang pagtaas ng imports na makakatulong sa ekonomiya ng bansa bunsod na rin ng pagluwag ng community restrictions.

Batay sa tantya pa ng BSP governor, tataas sa susunod na taon ang export ng bansa sa mga trading partners na US, Japan, at China.

Facebook Comments