Digital Transformation Bills, kasama sa mga pangunahing prayoridad na ipasa ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon

Balik sesyon na ang Kongreso ngayong araw at ayon kay House Speaker Martin Romualdez, kabilang sa mga panukala na prayoridad nilang ipasa ang may kaugnayan sa digital transformation tulad ng E-Government and E-Governance Act.

Diin ni Romualdez, ito ay para maisakatuparan ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa kanyang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) na ginanap sa Davos, Switzerland na dapat nang maipatupad ang digital evolution sa bansa.

Sabi ni Romualdez, layunin nito na makasabay ang Pilipinas sa ibang mga nasyon pagdating sa digitalization na isa sa mga susi sa pagbangon ng bansa lalo ng ating ekonomiya mula sa pandemya.


Ayon kay Romualdez, kasama ring binanggit ni Pangulong Marcos ang pagtugon sa mabagal na internet connectivity and cybersecurity issues sa bansa at ang pag-digitalize ng ating burukrasya.

Facebook Comments