Digital Voter’s ID para sa mga overseas voter, ilalabas na ng COMELEC

Mag-iisyu ang Commission on Elections (Comelec) ng Digital Voter’s ID para sa mga overseas voter.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, maaari itong magamit bilang alternatibong government issued ID sa pagpaparehistro para sa pilot internet voting sa halalan sa 2025.

Ito ay sakaling hindi dala o available ang Philippine Passport o kaya ang Seafarer’s Identification Record Book ng isang overseas voter.


Sinabi ni Garcia, ang mga Pinoy na nasa abroad ay kailangan may active registration record sa Comelec.

Matatandaang mula noong 2018, itinigil ang pamamahagi ng physical voter’s ID bilang pagbibigay daan sa Philippine Identification System o PhilSys Act.

Dagdag pa ng Comelec ang pre-registration para sa overseas voters na gustong sumali sa internet voting ay mula Pebrero 12 hanggang Mayo 12 ng 2025.

Facebook Comments