DIGITALISASYON SA IBA’T IBANG SEKTOR, PATULOY NA PINALALAKAS SA ILOCOS REGION

Patuloy ang mga hakbangin sa Ilocos Region upang maisulong ang digitalisasyon sa mga serbisyong pampubliko, edukasyon, at maging sa agrikultura.
Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at ng Department of Information, Communication and Technology, unti-unti nang inilalapit sa mga mamamayan ang mga programang nakatuon sa digital development.
Sa Kapihan sa Ilocos ng PIA Ilocos Region, inihayag ni DICT Region 1 Director June Vincent Manuel Gaudan kung paano napapadali ng digitalisasyon ang buhay ng mga pilipino
Sa mga paaralan, unti-unti naman na umanong isinusulong ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo Kung saan naglalayon itong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga guro at mag-aaral sa paggamit ng mga digital tools.
Samantala, pinalalawak rin ang internet access sa mga bayan sa rehiyong upang mas maging abot-kamay naman umano ang online services, edukasyon, at komunikasyon.
Ngayong buwan ng Hunyo ay siniselebra rin ang National ICT Month. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments