
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) ang mga hakbang nito sa digitalization at pakikipag-ugnayan sa mga negosyante sa ginanap na pulong kasama ang EU-ASEAN Business Council at European Chamber of Commerce.
Pinangunahan ni Department of Finance Undersecretary Charlito Martin Mendoza ang pagpupulong na layong paghandaan ang pagiging chair ng Pilipinas sa ASEAN sa 2026.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, patuloy nilang pinaiigting ang kampanya laban sa smuggling at pinasimpleng proseso sa pag-aangkat at pagluwas ng mga produkto sa pamamagitan ng Customs Processing System.
Aniya, bukod sa mga hakbang kontra smuggling, patuloy ang panghihikayat ng BOC sa mga kumpanya na sumali sa Authorized Economic Operator Program.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang layunin na gawing mas mabilis, transparent, at episyente ang sistema ng ahensiya.









