Patuloy na ipinupursige ng Marcos administration ang digitalized transactions sa halos lahat ng ahensya ng gobyerno o 95 percent government transactions.
Ito ay upang makapagbigay ng mabilis at tamang serbisyo sa mga Pilipino.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 86th anniversary ng Government Service Insurance System o GSIS kahapon, sinabi nitong kailangan nang yakapin ng lahat ng ahensya ng gobyerno maging ng mga lokal na pamahalaan ang digitalization para maabot ang demand sa mga kumplikadong mga operasyon.
Ipinunto ng pangulo na dapat manguna ang GSIS na magpatupad ng digitalized operations.
Kaya natutuwa ang Pangulo na mayroong GSIS Touch mobile application na aniyay isang magandang halimbawa para sa digitalization sa mga business transactions.
Nagagawa kasi sa App na ito ang pag-apply ng loans, madaling makita ang records, payments at machi-check ang account status.
Iginiit ng pangulo na hindi lang mapapabilis ang transaksyon sa gobyerno sa pagpapatupad ng digitalization magkakaroon rin daw pag angat ng morale ng mga empleyado ng gobyerno at magiging produktibo ang mga ito.