Tuesday, January 20, 2026

DIGITALIZATION NG MGA MSMES SA ILOCOS SUR, ISINUSULONG

Sinisikap ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Ilocos Sur na maiangat pa ang kanilang kakayahan sa negosyo sa pamamagitan ng pagyakap sa digitalization.

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang seminar na tumalakay sa potensyal na tulong ng digitalization kung saan laganap ang digital market.

Ayon sa isang pahayag kay DTI Ilocos Sur provincial director H.A. Zaldy Z. Zafra, Jr., iginiit nito ang kanilang patuloy na pagsisikap at suporta sa lokal na magnenegosyo at matuto ang mga ito na sumabay at yakapin ang digital transformation.

Samantala, positibo ang mga business owners sa lalawigan sa epektong maidudulot ng digitalization sa kanilang negosyo na isang makapangyarihang instrumento sa mga transaksyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments