Digitalization ng PhilHealth, isusulong sa lalong madaling panahon

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi na aabutin ng dalawang taon bago maisakatuparan ang digitalization o computerization program ng ahensiya.

Ayon kay PhilHealth acting President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., na nakipagpulong na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng PhilHealth at Department of Health (DOH) upang mapabilis ang pagbibigay serbisyo ng mga miyembro ng PhilHealth.

Paliwanag ni Ledesma na kinakausap nila ang iba’t ibang negosyante na mayroong interes na naturang programa na computerization program.


Ginagawa umano nila ng paraan na magkaroon ng digitalization pero kinakailangan ang mahabang panahon hinggil sa computerization program ng PhilHealth.

Binigyang diin ng opisyal na mayroon naman silang road map at posibleng sa susunod na taon ay maisasakatuparan na ang digitalization program ng ahensya.

Facebook Comments