Digitalization plan ng Lacson-Sotto tandem, tutulong sa mga PWD

Tiniyak nina Partido Reporma standard-bearer Sen. Ping Lacson at running mate nito na si Senate President Tito Sotto na magkakaroon ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga Pilipino maging ang persons with disabilities o PWD para makahanap ng trabaho na aakma naman sa kanilang kakayahan sakaling papalarin na magiging susunod na lider ng bansa para maayos ang sistema ng ating gobyerno.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem, sa ilalim ng kanilang administrasyon ay ipinangako nila na mismong gobyerno pa umano ang tutulong sa kanila na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalakas sa national ID system at ng Digitalization sa proseso ng mga transaksyon ng gobyerno.

Napag-usapan ang programa ng Lacson-Sotto Tandem para sa mga PWD, makaraang lumapit sa kanila ang nararanasan ng isang tricycle driver na mayroong pisikal na kapansanan.


Paliwanag pa ni Lacson, bahagi na ng kanyang plano sa ilalim ng digitalization platform ang paglikha ng isang skills-matching system para sa lahat ng miyembro ng PWD sector na naghahanap ng trabaho.

Facebook Comments