“Digitalization” sa PNP, gagawin na rin para makasabay sa “new normal”

Digitalization sa PNP, gagawin na rin para makasabay sa new normal

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang digitalization sa kanilang hanay para makasabay sa new normal.

Ayon kay Gamboa, natalakay sa command conference nila nitong weekend ang pagtaas ng bilang ng mga cybercrimes sa panahon ng quarantine.


Aniya, karamihan ng mga tao ngayon ay nasa bahay lang kaya napapadalas ang kanilang paggamit ng computer o gadget.

Dahil dito, mas lumaganap ang insidente ng mga cybercrimes tulad ng cyber bullying at pagkalat ng fake news.

Kailangan makasabay ang PNP sa trend ng mga krimen na nagaganap sa cyberspace sa pamamagitan ng digitalization o pag-upgrade ng kanilang kapabilidad sa information and communication technology.

Sa pamamagitan ng digitalization ay masisiguro ang mas mabilis na palitan ng impormasyon at tactical accuracy ng mga ground units, para epektibong makontra ang mga cyber criminals.

Facebook Comments