Patuloy na isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang pagsusulong ng digitalized transaction sa lalawigan bilang parte ng kanilang adhikain na makasabay sa makabagong teknolohiya.
Sa panayam kay DTI Pangasinan Provincial Director at OIC Asst. Regional Director ng DTI Region 1 Natalia Dalaten, inilahad nito ang importansya at mga bentahe ng paggamit ng Paleng-QR, isang programang gumagamit ng cashless payments sa mga pampublikong pamilihan at transportasyon.
Positibo naman si Dalaten na mapapadali nito ang transaksyon sa mga pamilihan sa mga bayan nang magkaroon ng mas sistematikong pamamaraan ng kalakalan.
Sa Pangasinan, sa lungsod pa lamang ng Alaminos mayroon ang Paleng-QR, samantalang nakatakda na itong ilunsad sa bayan ng Calasiao, sa October 10, 2025.









