Digitization ng pamimigay ng ayuda, isinusulong sa Kamara

Itinutulak ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers ang digitization ng pamimigay ng ayuda o government cash assistance bilang bahagi ng new normal.

Sa ilalim ng inihaing House Bill 7714 o Philippine Public Payment System Act, ipinapanukala na mabigyan ng government bank accounts at ATM card ang mga benepisyaryo ng government programs.

Nakasaad dito na lahat ng Pilipino edad 18 na mayroon nang Philsys ID ay otomatikong bibigyan ng libreng ‘OneAccount’.


Sa pamamagitan aniya nito ay maiiwasan na mahabang pila at siksikan para lamang makatanggap o makakuha ng ayuda at subsidiya mula sa pamahalaan lalo na para sa mga benepisyaryo na matatanda, may sakit at mga indigent.

Dagdag pa ni Barbers na hindi lamang ito para maiwasan ang pagkakahawaan ng sa COVID-19 ngunit upang mahinto na rin ang red tape na nagpapabagal sa pagpapa-abot ng ayuda sa nangangailangan at pinagmumulan pa ng korapsyon.

Facebook Comments