Digitized arrival cards, ipapatupad na ng BI sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19

Magpapatupad na ang Bureau of Immigration (BI) frontliners ng digitized arrival cards at records sa mga dumadating na pasahero sa international airports at ports.

Layon nito na maiwasan ang paper transaction sa harap ng patuloy na outbreak ng COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng digitized arrival cards, ang mga pasahero mula sa kanilang port of origin na papasok ng Pilipinas ay magfi-fill out ng mga hinihinging detalye sa form bago ang kanilang departure.


Nag-abiso na rin ang BI sa Congress kaugnay ng pagsisimula ng pagpapatupad ng Advanced Passenger Processing and Information System (APIS) sa pamamagitan ng digitized arrival cards at boarding passes para ma-monitor ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng bansa.

Ayon sa BI, iaayon ng bagong protocols na maiwasan ang person-to-person contact sa pagitan ng immigration officers at mga pasahero, bukod sa mapapadali ang pagsasagawa ng contact tracing.

Facebook Comments