Digitized vaccine certificates, nakatakdang ilabas ng pamahalaan sa katapusan ng Agosto

156

Kinumpirma ng Department of Health na nakatakdang maglabas ng “digitized vaccine certificates’ ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mga nabakunahan na Pilipino.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, malaking tulong ito sa pagsasaayos ng pagbiyahe ng mga Pilipino ngayong pandemya.


Aniya, target nila itong masimulan sa katapusan ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre para mabigyan pa ng pagkakataon na makapaghanda ang DICT.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin si Cabotaje na mas mabuting tingnan muna ang requirements ng isang bansa bago makapasok sa kanilang lugar dahil magkakaiba ang hinihinging dokumento ng mga ito.

Facebook Comments