Dikit Tayo Campaign ng DZXL Radyo Trabaho, aarangkada ngayong araw sa San Juan City

Muling aarangkada ngayong araw ang stickering campaign ng DZXL Radyo Trabaho sa San Juan City.

Ang “DZXL RT Dikit Tayo Campaign” ay target ang mga delivery riders kung saan didikitan natin sila ng stickers.

Matatandaan na sa dalawang araw na Dikit Tayo Campaign ng Radyo Trabaho sa Pasig at Mandaluyong City, pawang mga riders ng Angkas, Joyride, Move It, Lalamove, Food Panda, Toktok at Grab ang ating nakasalamuha.


Bukod naman sa stickers ay mamimigay rin ang DZXL Radyo Trabaho ng bigas at ibang pang exclusive items.

Mayroon din sorpresa ang DZXL Radyo Trabaho sa mga riders na magpapadikit ng stickers.

Kaya abangan ang buong pwersa ng DZXL Radyo Trabaho team ngayong araw sa ilang bahagi ng San Juan City.

Facebook Comments