DILG, aminado na NCR ang may pinakamalaking problema sa pamamahagi ng SAP cash aid habang papalapit ang deadline bukas

Aminado si Interior Secretary Eduardo Año na namomroblema Metro Manila na nahihirapan pa rin ang mga lokal na makahabol sa deadline bukas para makumpleto ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Isa sa nakikitang dahilan ni Año ay ang malaking bilang ng mga benepisasryo na kailangang bigyan ng ayuda sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, maayos at wala nang sumusulpot na probela sa pamamahagi ng cash aid ng mga local government units sa NCR.


Nanindigan naman si Año na hindi na nito palalawigin ang pamamahagi ng SAP matapos ang Mayo 7 at kumpiyansa siyang matatapos ito sa Huwebes.

Bibigyan naman aniya ng due process ang mga Local Government Units (LGUs) sakaling  makapagbigay ang mga ito ng katanggap tanggap na dahilan kung bakit hindi natapos ang bigayan ng SAP sa takdang oras.

Nauna rito, pinapurihan ng DILG chief ang 828 LGUs sa buong bansa na nakatapos na sa pamamahagi ng SAP.

Facebook Comments