DILG, aminadong NCR ang mas nakakaranas ng problema kaugnay sa distribusyon ng sap sa buong bansa

Aminado si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming problema sa distribusyon ng sap sa buong bansa.

Ayon kay Año, malaking bilang ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay nasa Maynila.

Kaya kailangan ng mahabang panahon para mabigyan ng ayuda ang lahat at makasunod sa social distancing bilang pag-iingat sa COVID-19.


Ang DILG ay binubuo ng 828 lgus sa buong bansa kung saan:

  • 56 ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR);
  • 38 sa Ilocos Region;
  • 31 sa cagayan valley;
  • 36 sa Central Luzon;
  • 63 sa Calabarzon;
  • 62 sa Mimaropa;
  • 70 sa Bicol Region;
  • 114 sa Western Visayas;
  • 52 sa Central Visayas;
  • 95 sa Eastern Visayas;
  • 71 sa Zamboanga Peninsula;
  • 17 sa Northern Mindanao;
  • 26 sa Davao Region;
  • 32 sa Soccsksargen;
  • at 65 sa Caraga

Samantala, bukas ang pamahalaan na palawigin pa ang deadline ng pamamahagi ng unang tranche ng cash assistance sa ilalim ng SAP.

Ayon kay Año, magsasagawa sila ng assessment bukas ng umaga (May 7) para alamin kung ilang mga LGUs na ang nakakumpleto ng pamimigay ng nasabing benepisyo.

Susuriin din aniya nila ang mga dahilan kung bakit hindi pa natatapos ng ibang LGUs ang pamamahagi ng nasabing ayuda.

Facebook Comments