DILG ARMM may paalala sa mga nagwaging kandidato

Muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa lahat ng mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na eleksyon na kinakailangan magsumite ng 4 na requirements bago mapagkalooban ng Certificate of Recognition.

Kinabibilangan ito ng 4 na original copies of Statement of Assets and Liabilities; 4 original copies of personal data sheet, 4 certified true copies of certicate of canvass at drug test na nagmumula government hospital o the Department of Health ayon pa kay DILG ARMM Sec. Atty. Kirby Abdullah.

Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Sec. Abdullah ang lahat na nakiisa para mapanatiling maayos at mapayapa ang eleksyon sa 2,490 barangays sa buong ARMM.


Hinimok naman nito ang publiko na irespeto ang naging resulta ng eleksyon at makipagtulungan na lamang sa napiling mga lider ng barangay .

BPI ARMM Pic

Facebook Comments