DILG at COMELEC, nanawagan sa mga kandidato na linisin ang mga iniwang kalat

Pinaalalahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng opisyal at tumakbo ngayong eleksyon na linisin at alisin ang kanilang mga campaign paraphernalia materials.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat magsanib-pwersa ang mga kandidato at kanilang supporters upang mapabilis ang pagtatanggal ng mga kinalat nila.

“Tapos na po ang halalan at nakapili na ang mga mamamayan kung sino sa palagay nila ang karapat-dapat na magsagwan sa kanila tungo sa tunay na pagbabago. The immediate task at hand is to call on your supporters to clean up and rid our communities of poll trash,” ani Año.


Inaasahan na din niya sandamakmak na basura ang makikita sa iba’t-ibang pampublikong kalsada at eskwelahan.

Nakakalungkot na may mga taong sadyang walang pakialam at kahit saan na lang nagtatapon at nag-iiwan ng kanilang basura.  Kailan kaya tayo matututo?” dagdag pa niya.

Mensahe pa ni Año, kailangan bago magsimula ang klase sa Hunyo, maayos na ang mga paaralan.

Agad naman sinuportahan ng COMELEC ang pahayag ng DILG. Mababasa sa Twitter post ni Spokesperson James Jimenez na alisin sa lalong madaling panahon ang mga posters na ipinaskil ng mga nanalo at natalong pulitiko.


 

Facebook Comments