DILG at DENR, nagsanib-puwersa upang sugpuin ang illegal logging at quarrying

Nagsanib pwersa na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of the Environment and Natural Resources (DENR) para seryosong ipatupad ang crackdown sa illegal logging at illegal quarrying kasunod ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, nakatakda nang magpulong ang National Anti-Illegal Logging Task Force upang maglatag ng mga bagong istratehiya para protektahan ang natitirang forest cover.

Ang task force ay binubuo ng DILG, PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP).


Tiniyak nina Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu na gagamitin nila ang lahat ng resources ng gobyerno para pigilan ang patuloy na pagwasak sa forest resources.

Aniya, suportado rin ng DILG ang National Greening Program ng DENR na naglalayong makapag-rehabilitate ng 1.2 million hectares ng nakalbong forest lands pagsapit ng taong 2022.

Mula January hanggang October 2020, nakapagsagawa ang PNP ng 6,710 anti-illegal logging operations na nagresulta sa pagkaaresto ng 3,336 illegal loggers sa buong bansa.

Facebook Comments