DILG at DOH, sinimulan na ang re-training ng 46 thousand na BHERTS sa buong bansa

Sa layuning isapanahon ang kahandaan ng mga barangay bilang frontliners sa paglaban sa COVID-19, sinimulan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Health (DOH) ang pagpapataas pa sa kagalingan at kakayahan ng may 46,621 Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) sa buong bansa.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ngayong pababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, kinakailangang mapanatili ang momentum sa paglaban sa virus.

Lahat ng frontliners sa BHERTs ay isinasailalim ngayon sa retooling, retraining, o refresher course para maarmasan ng kaalaman at kagalingan kung paano makapaglatag ng istratehiya sa kanilang komunidad laban sa COVID-19.


Sinabi ni Año, maliban sa pagpapatupad ng minimum health standards, pagsasagawa ng contact tracing at pag-monitor ng COVID-19 cases, trabaho rin ng BHERTs na mapalakas ang health promotions at education sa barangay.

Sinasanay na rin ngayon sa pamamagitan ng online workshops ang mga BHERTs para makapag-develop ng kanilang sariling mga material.

Facebook Comments