DILG at DOTr, gagawaran ng awards ang mga LGUs na mayroong mahusay na modern at safe infrastructure para sa mga nagbibisikleta

34

Bilang pakikiisa sa National Bike Day, magkatuwang na bibigyan ng award ng Department of Transportation (DOTr) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na nakapagtatag ng pinakamoderno at ligtas na infrastructure para sa mga active transport users.

Ito’y upang ligtas na makarating ang mga ito sa kanilang mga trabaho o destinasyon.


Kasama rin sa bibigyan ng award ay ang mga Local Government Units (LGUs) na nakapagpasa ng ordinansa na humihikayat sa kanilang mga residente na gumamit ng active mobility bilang mode of transportation.

Para sa mga mag-qualify sa selection, maaring magsumite ang mga LGUs ng entries sa DILG Bureau of Local Government Supervision (BLGS) sa mga DILG Regional Offices.

Ang deadline sa submission ng entries ay sa October 22, 2021.

Facebook Comments