DILG at DSWD, inatasan ni Pangulong Duterte na silipin ang hinaing ng mga driver na hindi nabigyan ng tulong pinansyal

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na silipin ang hinaing ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers na hindi nakasama sa Pantawid Pasada program ng pamahalaan.

Sa State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na may natanggap siyang reklamo na may mga driver ang hindi nakatanggap ng ayuda.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon, nasa 4.3 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na ang nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Nasa 9.2 milyong beneficiaries naman ang nakatanggap ng subsidiya sa pamamagitan ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program.

Facebook Comments