Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na itinakda na sa susunod na linggo ang pakikipag-pulong nila sa Facebook executives.
Ito’y upang pag-usapan ang pagtanggal ng PH-based FB pages at accounts nang walang nangyayaring konsultasyon o due notice.
Unang nang binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ng censorship ang social media giant.
Maging sa Senado ay naghain ng resolusyon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na mag- iimbestiga sa galaw o aktibidad ng Facebook.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kabilang sa pag-uusapan ay kung paanong makakapagtulungan ang gobyerno at Facebook sa paglaban sa fake news at disinformation.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang factual information para bigyang kapangyarihan ang publiko sa isang nation-building approach sa krisis gaya ng COVID-19.
Aniya, sinasamantala ng mga kriminal na grupo at extremist groups ang panahon ng pandemic para isabotahe ang mga inisyatiba ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kasinungalingan upang isulong ang kanilang malisyosong agenda.