DILG at ibang line agencies nito, welcome ang pagkakahirang kay dating MMDA chairman Benhur Abalos Jr. bilang susunod na kalihim ng ahensya

Katanggap-tanggap sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga organization at sa attached agencies nito ang napipintong pagkakatalaga ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang susunod na Kalihim ng ahensya.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nakatrabaho niya si Abalos noong kasagsagan ng pagharap sa pandemya.

Aniya, nakita niya ang pagsusumikap ni Abalos na maipatupad ang mga COVID-19 pandemic response sa National Capital Region (NCR).


Nagresulta aniya ito sa downward trend ng Coronavirus cases at ang matagumpay na roll-out ng vaccination program sa Metro Manila.

Kumpiyansa ang kalihim na makakapag-bigay ng direksyon si Abalos sa interior and local government sectors sa pagpapalakas ng kanilang kampanya sa peace and order, public safety at local governance.

Facebook Comments