DILG at mga LGU, magsasagawa ng pagpupulong laban sa banta ng Delta variant

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paghahanda kasabay ng napaulat na unang kaso ng Delta variant sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na nakatuon na ang ahensiya sa pagtitiyak na sapat ang mga COVID-19 beds para sa posibleng surge ng kaso.

Nagpaalala naman ang DILG sa mga Local Government Units (LGU) na maging mahigpit sa pagpapatupad ng minimum health protocols.


Sa ngayon, pinaplano na ng DILG ang pagsasagawa ng pagpupulong kung saan dadalo hindi lamang ang mga alkalde kundi maging ang mga opisyal sa maliliit na baranggay.

Facebook Comments