DILG at NAPOLCOM, sinuspinde ang pasok sa opisina kaugnay ng COVID-19

Kanseldado ngayong Biyernes, March 13, 2020 ang pasok sa central office ng Department of the Interior and Local Government o DILG at National Police Commission o NAPOLCOM.

Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang disinfection sa buong gusali na bahagi ng preventive measures kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Inihayag din ng NAPOLCOM na suspendido na rin ang nakatakda sanang Philippine National Police (PNP) entrance and promotional examination sa ika-dalawampu’t anim ng Abril 2020, ngunit maari paring masumite ng aplikasyon para sa nasabing pagsusulit hanggang ika-dalawampu’t lima ng Marso.


Ang nasabing hakbangin ay dulot pa rin ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments