DILG at PNP, nagbibigay ng briefing sa mga senador kaugnay sa sitwasyon sa Marawi

Manila, Philippines – On going ngayon ang briefing sa ilang mga senador nina Department of Interior and Local Government o DILG Acting Secretary Catalino Cuy at Philippine National Police Chief Gen. Ronald Bato Dela Rosa.

Kaugnay ito sa law and order situation sa Marawi City na hanggang ngayon ay hindi pa lubos na nababawi mula sa kamay ng Maute Terror Group.

Ang briefing na ito ay kusang isinagawa ng PNP upang bigyan ng update ang Senado ukol sa mga kaso ng pagpatay na hindi pa rin nareresolba.


Kabilang sa mga dumadalo sa briefing ay sina Senate President Koko Pimentel, majority leader Tito Sotto III, at sina Senators Gringo Honasan, JV Ejercito at Win Gatchalian.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments