DILG, binalaan ang Aklan LGUs dahil sa hindi pagsunod sa tourist capacity limit sa Boracay Island

Binalaan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang provincial government ng Aklan at Municipalidad ng Malay sa Aklan na limitahan ang kapasidad ng mga turista na Boracay Island.

Kasunod ito ng ulat na dumagsa ang mga turista na nagpunta sa lugar noong Mahal na Araw at hindi nasunod ang itinakdang guidelines ng pamahalaan.

Nagbanta ang DILG Chief na mag i-isyu ito ng Show Cause Orders sa mga Local Government Units (LGUs) dahil sa kapabayaan.


Hinimok din niya ang mga LGUs na direktang may otoridad sa world-famous tourist destination, na paigtingin ang pagsisikap at mahigpit na obserbahan ang daily threshold ng isla.

Facebook Comments