DILG, binalaan ang mga kandidato gagamit ng armadong grupo para takutin ang mga botante

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa paggamit ng armadong grupo sa aabot sa 120 election hotspots sa buong bansa.

Partikukar na binalaan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga lokal na kandidato na may minamantining armadong grupo para takutin ang mga botante at ibang kandidato.

Mahigpit ang tagubilin ng kalihim sa Philippine National Police (PNP) na pangalagaan ang kapayapaan at ang kasagraduhan ng mga boto ng mamamayan.


Batay sa datos ng PNP, nasa 125 Local Government Units ang classified na areas of election concern o hotspots ngayon sa bansa.

Sa bilang na ito, 105 ang mga bayan habang 15 ang mga lungsod.

Kasabay nito,pinaalalahan din ng kalihim ang mga kandidato laban sa vote-buying at hinimok ang publiko na magsumbong kaakibat ang mga ebidensya .

Facebook Comments