DILG, binalaan ang mga LGUs na magiging missing in action sa panahon ng paghambalos ni Bagyong Ulysses

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa kaparusahan ang sinumang local executives na magiging missing in action sa panahon ng pananalasa ni Bagyong Ulysses.

Partikular na inalerto ng DILG ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Bicol Region.

Sa abiso ng DILG, pinapayuhan ang mga LGUs na ipatupad ang Circular No. 2020-125.


Kaugnay sa pagsasagawa ng critical preparedness actions ay ipatutupad ang Operation Listo Protocols.

Kabilang dito ang pag-preposition ng mga relief supplies, rescue equipment at disaster personnel para sa immediate response.

Pinapa-activate na rin sa mga LGUs ang mga Barangay DRRMCs para sa early warning measures at pag-monitor sa mga lugar na madaling bahain.

Umaasa ang DILG na magiging disiplinado ang publiko at makikipagtulungan sa mga gagawing pre-emptive evacuation.

Facebook Comments