Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tatlong araw ang lahat ng mga lokal na pamahalaan at ang mga nanalo o natalong kandidato sa katatapos na halalan na linisin ang kanilang mga campaign waste materials.
Sa isang advisory, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang pagtatapon ng mga election propaganda materials at dapat umaalinsunod sa mga umiiral na environmental laws para maiwasan ang illegal dumping, open burning, at littering.
Inatasan ng Kalihim ang mga barangay na gamitin ang kanilang material recovery facilities para kolektahin ang ang mga pwede pang pakinabangan ang mga reusable materials.
Ani Ano, dapat atasan ng mga local chief executives ang mga organizers ng mga pulitiko na ilagay sa tamang kalalagyan ang mga basurang iniwan ng kanilang mga political activities
Hinimok din ng DILG ang publiko na makiisa sa clean up drive ng kanilang Local Government Units (LGUs) at barangay.
Magugunita, noong 2019 midterm elections aabot sa 168.84 tons ng campaign materials ang nakolekta.