Mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang sisingilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag hindi naibalik sa mga motorista at pedestrian ang mga bangketa at kalsada bago mag-Setyembre.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing – pinagsabihan na sila ng Pangulo na kailangang linisin ang mga kalsada at bangketa mula sa anumang obstructions.
Maglalabas ang DILG ng Memorandum Circular na mag-uutos sa mga Local Government Unit o LGU na iayon sa utos ng Pangulo ang kani-kanilang traffic plan.
Nitong 2018, umabot sa 1.5 billion pesos ang ginastos ng gobyerno sa Metro Manila pa lamang para mapaluwag ang mga kalsada.
Sa datos ng MMDA, 30% ng 1.1 million kilometer road network sa Metro Manila ang barado.
Facebook Comments