DILG, bukas sa pagbusisi sa kanilang pondo ng SBDP

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawing bukas sa pagbusisi ng publiko ang pagpapatupad ng ₱16.44 billion Barangay Development Program sa may 822 na mga barangay na nalinis na sa impluwensya ng New People’s Army (NPA) magmula noong 2019.

Umaapela si DILG Secretary Eduardo Año sa ilang mga senador na ikonsidera ang planong pag-defund sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mauuwi lang aniya sa wala ang mga pagsisikap ng gobyerno na malinis ang mga barangay kung biglaan silang bibitawan.


Aniya, kaya madaling naimpluwensyahan ng mga rebelde ang mga residente sa mga liblib at bulubunduking lugar sa bansa ay dahil hindi nila ramdam na nakakarating ang mga proyekto at pag-unlad sa kanila.

Dagdag pa ni Año, nakaprograma ang ₱16.44 bilyong pondo para sa iba’t ibang infrastructure projects na ang layon ay mapaganda ang kondisyon ng kabuhayan ng mga tao sa mga mga liblib na barangay.

Sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP), bawat cleared barangay ay makatatanggap ng ₱20 milyon para sa farm-to-market roads; school buildings; water at sanitation system; health stations; rural electrification; agricultural, livelihood, and technical vocational training; assistance para sa indigent individuals; housing; at COVID-19 vaccination.

Facebook Comments