DILG, bukas sa pagtatayo ng community pantries ng mga militanteng grupo

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaaring magtayo ang mga makakaliwang grupo ng sarili nilang community pantries.

Pero paalala ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa left-leaning organizations na tiyaking ang layunin ng pagtatatag nila ng community pantries ay makatulong sa mga mahihirap at mga apektado ng COVID-19 crisis.

Kapag nahaluan na aniya ito ng pulitika ay maituturing na itong propaganda.


Apela ng DILG sa publiko at organizers ng community pantries na panatilihing “politically zero” ang kanilang inisyatibo at pairalin ang Bayanihan.

Una nang nilinaw ng DILG na wala silang utos na magsagawa ng profiling at surveillance activities sa mga organizer ng community pantries.

Facebook Comments