Inaasahang madadagdagan na ng halos 300 fire trucks ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapalakas ang firefighting capabilities nito.
Ito ay matapos bumili ang pamahalaan ng nasa 266 fire trucks na ibibigay sa iba’t-ibang siyudad at munisipalidad ngayong taon at sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año – dumarami ang insidente ng sunog tuwing summer kaya pinalalakas nila ang kakayahan ng mga bumbero lalo na sa pagtugon sa iba’t-ibang emergency.
Ang mga bagong unit ay ide-deliver sa mga fire station na wala nito at may mga fire truck na nasa 20-taon na ang edad.
Dagdag pa ni año – 56 units nito ay kayang mag-ipon ng hanggang 1,000 gallons ng tubig.
Ang BFP ay nangangailangan ng 3,606 fire trucks upang maabot ang ideal ratio na isang firetruck para sa 28,000 tao (1:28,000).
Sa ngayon, aabot sa 332 siyudad at munisipalidad sa bansa ay walang fire trucks.