Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga bagong halal na alkalde sa Metro Manila lalo na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil sa mga isinagawang proyekto para matugonan ang problemang kinakaharap ng lungsod.
“Manila is the showcase of the Philippines. It is the first place foreigners see when they come to our country, so I’m pleased that in the first weeks of his administration, Mayor Isko has already shown that the challenges of the city are not insurmountable and can be addressed with political will and commitment,” pahayag ni Año nitong Sabado.
Isang linggo pa lamang nakaupo si Moreno sa puwesto pero mapapansin ang malaking pagbabago sa Maynila matapos nitong iutos ang clearing operations sa pangunahing kalye ng siyudad partikular ang Divisoria, Recto, Carriedo, Quiapo at Tondo.
Umaasa rin ang kalihim na kaya nitong panatilihin ang mga nasimulang plataporma.
Maliban kay Moreno, pinasalamatan din ni Año sina Pasig City Mayor Vico Sotto and Makati City Mayor Abby Binay sa ipinapamalas na strong political will para masolusyunan rin ang pagsubok ng mga sinasakupang siyudad.
Pagtitiyak ng DILG Chief, buo ang suporta ng gobyerno sa patakaran at polisiyang ipinapatupad ng mga bago at batang lider upang maging matiwasay at maayos na lugar ang Metro Manila.