DILG Chief Eduardo Año, nag-negatibo sa COVID-19

Negatibo sa COVID-19 si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Sa inilabas na statement ng DILG, lumabas na ang resulta ng ikalawang COVID-19 test ni Año at nakalabas na ito sa ospital noong August 30, 2020.

Bagama’t bumubuti na ang kalagayan ng DILG Chief, kinakailangang makapagpalakas ito ng baga dahil nakararanas pa ng kaunting ubo.


Posibleng sa susunod na linggo ay makakabalik na sa kaniyang trabaho ang kalihim.

Unang nagpositibo sa COVID-19 ang kalihim noong April 8, at noong August 16, 2020 ay muli siyang nagpositibo sa virus.

Facebook Comments