DILG, dumepensa sa banta ni Pangulong Duterte na gumamit ng police power sa mga ayaw magpabakuna

Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng police power sa mga taong ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Undersecretary RJ Echiverri na hindi pwedeng idahilan ang human rights kung posible namang magkaroon ng banta sa kalusugan ng ibang tao.

Paliwanag ni Echiverri, suportado ng nakararami ang desisyong ito ni Pangulong Duterte lalo na’t maraming buhay ang maililigtas ng bakuna.


Una nang iginiit ng pangulo sa kaniyang talk to the people noong Lunes na kinakailangang mabakunahan ang lahat dahil wala namang pinipiling relihiyon at pinaniniwalaan ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments