Dumistansiya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naging pahayag ni Usec. Epimaco Densing III kaugnay sa government response ng gobyerno sa COVID-19 .
Kaugnay ito sa panayam kay Densing ng media kung saan binanggit nito na walang direktang solusyon ang gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 kundi ang umasa lang sa bakuna.
Sa isang statement, nilinaw ni USec. at Spokesperson Jonathan Malaya na pansariling opinyon ito ni Densing at hindi kumakatawan sa posisyon ng ahensya.
Nanindigan ang DILG na bilang bahagi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, nagsisikap itong masugpo ang COVID sa pamamagitan ng pinaigting na implemetasyon ng Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate (PDITR) strategy .
Sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ay napalakas ang contact tracing program,nakapagtatag ng isolation facilities, nadagdagan ang mga COVID beds sa mga LGU-run hospitals.
Sa ngayon ay kasado na rin ang LGU-based triage centers.
Puspusan din ang rollout ng national vaccination at deployment program na ultimate solution sa pandemic.
Sa ngayon aniya ay umakyat na sa vaccination 2,596 ang mga vaccination sites sa buong bansa.
Umaasa ang DILG na sa tulong ng publiko ay mapipigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID at magtatagumpay ang COVID-19 efforts.