DILG, gumawa ng Technical Working Group para pag-aralan ang posibleng pagpapaliban ng voter’s registration

Mayroong hanggang bukas ang binuong Technical Working Group (TWG) ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para magrekomenda kung dapat ba o hindi na ipagpaliban ang pagpaparehistro para sa 2022 national and local elections.

Nag-ikot ang TWG upang tingnan ang sitwasyon sa mga registration centers ng Commission on Elections (COMELEC).

Ginawa ito ng kalihim kasunod na rin ng apela ng Metro Manila mayors na iurong sa January 2021 ang registration ng mga bagong botante dahil sa umiiral na community quarantine restrictions.


Ngunit kung sakaling iuurong ang voters registration ay kailangang aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force for Emerging on Infectious Disease (IATF-EID) bago dalhin sa COMELEC na siyang magde-desisyon para dito.

Facebook Comments