Dahil sa mga lumabas na rebelasyon sa pagdinig ng Senado, nais ni Interior Secretary Eduardo Año na palawigin pa ang suspensyon ng pagtutuos at pagagawad ng Good Conduct Time Allowance.
Sa isang pulong balitaan sa DILG headquarters sa Quezon City, sinabi ni Año na marami silang nakitang butas sa batas.
Giit ng DILG chief na mapapahaba ang gagawin nilang suspensyon kung wala silang makitang kongkretong solusyon.
Nauna nang sinuspindi ng sampung araw ang GCTA law simula noong August 26 para bigyang daan ang ginagawang review ng DILG at Department of Justice sa IRR.
Ani Año, pagkatapos nilang i- review ang Implementing Rules and Regulations ng GCTA law, imumungkahi nila sa kongreso na amyendahan ang batas.
Lumikha ng isyu ang pagpapatupad ng July 2019 Supreme Court decision na naggagawad ng retroactive application sa pagpapalaya ng mga preso na nakapagpakita ng magandang pag-uugali matapos mapabalita na makikinabang dito ang convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez.