DILG, hahayaan ang mga LGU na magpasya kung mag-iisyu ng quarantine pass sa ECQ areas

Ipapaubaya na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na magdesisyon kung nais nilang mag-isyu ng quarantine pass para sa mga residenteng nakatira sa loob ng NCR+ bubble.

Ayon kay Interior Spokesperson Jonathan Malaya, hahayaan nila ang mga LGUs na makapagdesisyon kung kakailanganin pang magkaroon ng quarantine passes.

Aniya, nakadepende sa sitwasyon kung hindi mapigilan ang pagkukumpol-kumpol ng mga tao.


Dagdag pa ni Malaya, maaaring gamitin ng mga residente ang kanilang lumang quarantine passes pero pinayuhan silang mag-inquire para i-revalidate ito sa kanilang mga barangay.

Facebook Comments