DILG, handa nang ipatupad ang mga bagong guidelines sa ilalim ng Alert Level 2 sa Metro Manila

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (LGU) na nakahanda na silang ipatupad ang mga bagong guidelines oras na maibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, bumaba na ng 48 percent ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon noong huling dalawang Linggo.

Aniya, ang pagbaba ng Alert Level System sa Metro Manila ay ibabatay naman sa desisyon ng Department of Health (DOH) at ng Technical Working Group ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Sa ilalim ng Alert Level 2, maaari nang magtaas sa 50 percent capacity ang mga establisyimento at karagdagang 10 percent sa mga mabibigyan ng safety seal.

Maaari naman itaas sa 70 percent ang kapasidad sa mga outdoor dining.

Facebook Comments