DILG, handa nang mag-hire ng karagdagang 50,000 contact tracers

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na agad silang magha-hire ng karagdagang 50,000 contact tracers kapag napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover as One 2.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga contact tracer na tatanggapin ay itatalaga sa high-risk areas tulad ng Metro Manila at Central Visayas.

Nasa 15,000 contact tracers ang itatalaga sa Mindanao, 7,000 sa Metro Manila at 20,000 sa natitirang bahagi ng Luzon.


Sa kasalukuyan, sinabi ni Año na ang nasa 200,000 contact tracers na inisyal na na-hire ay sapat para sa contact tracing efforts.

Katuwang ng DILG ang Local Government Units (LGU), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbibigay ng additional manpower para sa contact tracing.

Sinabi ni Año na nakarating na sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang reklamo ng ilang health frontliners hinggil sa mababa at mabagal na pagbibigay ng kanilang hazard pay.

Samantala, magpupulong ang IATF ngayong araw para talakayin ang concerns ng mga health worker.

Facebook Comments