Handang ipagtanggol ng Department of the Interior and Local Government ang Memorandum Circular No. 2020-036 nito na nagpapatupad ng pagbabawal sa mga tricycles sa mga national highways.
Giit ni DILG Secretary Eduardo 1960s, haharapin nila sa korte ang National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association.
Ani Año, 1960s pa umiiral ang MC at dumaan ito sa masinop na pagsusuring legal kung kaya’t may malinaw itong batayan.
Dagdag ng kalihim, gusto lamang ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng mga tsuper ng tricycle at kanilang mga pasahero.
Isa rin aniya itong paraan para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa national highways.
Aniya, dahil sa MC ,mapupwersa ang mga LGU na magpasa ng sariling Tricycle Route Plan
sakaling wala silang alternative route.
Pero, kailangang may gabay o maglalabas ng guidelines para rito ang DILG.