DILG, handang palitan ang mga sinuspindeng barangay officials 

COURTESY: RTVM

Magtatalaga ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng papalit sa mga barangay officials sakaling sinuspinde ang mga ito batay sa rekomendasyon ng kanilang mga alkalde. 

Ito ang pahayag ng ahensya matapos maglabas ang Office of the Ombudsman ng preventive suspension orders laban sa 89 barangay captains dahil sa anomalya sa Social Amelioration Program (SAP). 

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mahalagang patuloy na gumagana o functional ang mga barangay habang pansamantalang pinupunan ang nabakanteng posisyon. 


Nitong September 12, 2020, nakapaglista ang DILG ng 447 individuals na sangkot sa SAP anomaly, kabilang ang 211 local at barangay officials, 104 barangay tanod, barangay health workers, barangay secretary, barangay treasurer, at 132 civilian. 

Isinampa na ang kanilang mga kaso sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). 

Facebook Comments