DILG, hihilingin sa IATF na alisin na ang face shield

Sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, imumungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang hindi na pagsusuot ng face shield.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, na suportado ito ng ahensya pero ang IATF pa rin ang may pinal na desisyon hinggil dito.

Aniya, sa DILG, imumungkahi ang dahan-dahang pagtanggal ng face shield maliban na lamang sa ospital kung saan mataas ang risk na mahawaan ng virus.


Sa ngayon base sa pinaka-huling IATF resolution sa 3-Cs na lamang isusuot ang face shield o sa mga closed spaces, crowded areas, at close-contact settings.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na dumarami na ang nagbibigay ng suhensyon sa IATF kaugnay sa pag-alis ng polisiya sa paggamit ng face shield sa bansa.

Facebook Comments