DILG, hinamon ang CHR na imbestigahan ang madugong NPA attack sa Samar

Hinamon ng Department of Interior and Local Government o DILG ang Commission on Human Rights o CHR na magsagawa ng independent investigation sa madugong pananambang sa Borongan City, Eastern Samar na ikinasawi ng isang police officer, dalawang sibilyan at ikinasugat ng 24  na iba pa.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ngayon dapat ipakita ng CHR na totoo ito sa kanilang krusada na ipagtanggol ang karapatan sa buhay.

Hamon ng DILG chief, kasuhan ng CHR ang New Peoples Army o NPA ng kasong crimes against humanity.


Ayon pa kay Año, dapat managot si Joma Sison sa nangyaring ambush.

Aniya, ang ginawang pagpuri ni Joma sa isang statement mula sa Utrecht, The Netherlands ay patunay na ito pa rin ang may direktang kontrol sa NPA sa pamamagitan ng party branch sa bawat platoon.

Ani Año ang namutawi sa bibig ni Sison ay patunay lamang na ang pag-ambush ay plinano o premeditated attack na may layuning ipakita na may kakayahan ang NPA na maghasik ng takot sa publiko.

Facebook Comments